ANO NGA BA ANG POLYCYSTIC OVARIAN SYNDROME O MAS KILALA SA TINATAWAG NA PCOS?
MGA SINTOMAS:
- Irregular periods o hindi pagkakaroon ng buwanang dalaw at abnormal heavy periods - Kadalasan ito ang unang sintomas ng mga hinihinalang may pcos. Ito ay hindi pagkakaroon ng buwanang dalaw, minsan umaabot ng 3 months to 1 year. Meron din naman na regular ang dalaw pero may pcos.
- High level of androgens or excess androgens - Ang epekto nito ay pagkakaroon ng oily face, tigyawat, pimples or acne sa katawan, sa mukha at lalo na sa bandang baba.
- Excess Hair Growth - ito ay pagkakaroon ng unwanted male pattern hair growth sa babae katulad ng bigote, mukha at katawan na normally wala naman..
- Pagtaas ng timbang o pagiging overweight o obese - Lumalaking tiyan na nagiging pear shaped o napaghihinalaang buntis pero hindi lahat nakakaranas nito dahil may mga tamang timbang o slim din na mga babae na merong pcos.
- Headache at Mood swing - dahil naman ito sa hormone changes.
KOMPLIKASYON:
- Infertility o hirap makabuo dahil sa hindi tamang ovulation process ng obaryo.
- Miscarriage o premature birth.
- Gestational diabetes o pregnancy-induced high blood pressure.
- Nonalcoholic steatohepatitis o sever liver inflammation dahil sa taba na naiipon sa liver.
- Metabolic syndrome o pagkakaroon ng high blood sugar, abnormal cholesterol levels, high blood pressure at mataas ng risk nang atake sa puso.
- Type 2 diabetes o prediabetes.
- Sleep apnea o paghilik ng malakas at feeling na lagi kang pagod at antok na antok kahit nakapahinga ka ng maayos.
- Depression, Anxiety at eating disorder.
- Abnormal uterine bleeding.
- Cancer of the uterine lining o endometrial cancer o mas kilala sa tawag na cancer sa matris. Ito ay may pelvic pain o mababang tiyan, maskit na pakikipagtalik.
#pcos #pcosweightloss #pcosfighter #pcoswarrior #pcosdiet #pcosweightlossjourney #pcosawareness #pcoscysters #pcossucks #pcoslife #pcossupport #pcosfood #pcosjourney #pcoscommunity #pcoscyster #pcosttc #pcoshelp #pcospregnancy #PCOSGirl #pcoslifestyle #pcosinfertility #pcosfriendly #pcosproblems #pcosweightlossmotivation #pcosbaby #pcossurvivor #pcossupportandpositivity #pcosfitness #pcosmeals #pcosdiva
No comments:
Post a Comment